Unang naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 30 kilometers southeast ng bayan ng Casiguran, alas 12:26 ng tanghali ng Biyernes (Sept. 6).
15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity II sa Maddela, Quirino bunsod ng nasabing lindol.
Sinundan ito ng magnitude 3.0 na lindol sa 36 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Casiguran alas 12:34 ng tanghali.
At magnitude 3.2 alas 12:38 ng tanghali sa 20 kilometers Northeast ng Casiguran.
May mga mas mahina pang pagyanig na nasa magnitude 2.5 at 2.7.
Ayon sa Phivolcs hindi naman magdudulot ng pinsala ang mga naranasang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES