LOOK: Bilanggo na nakalaya sa loob ng mahigit 1 taon dahil sa GCTA balik-kulungan sa Cebu

Isang taon at 25 araw ang tinamasang kalayaan ng isang nahatulan sa walong bilang na kasong murder matapos siyang makinabang sa GCTA law.

Pero balik-kulungan na ngayon si Jesus Negro Jr., matapos bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 15-araw lang ang mga bilanggong nakalaya dahil sa GCTA.

Tatlumpung taon na nakulong si Negro at noong August 9, 2018 ay nakalaya siya mula sa National Bilibid Prisons dahil sa good conduct time allowance law.

Taong 1988, nang mahatulan sa walong bilang ng kasong murder si Negros

Loob ng mahigit isang taong kalayaan, namuhay ng normal si Negro sa Barangay Dakit sa Bogo City at tumulong sa piggery business ng kaniyang pinsan.

Namuhay din ng mag-isa na lang si Negro dahil ang kaniyang asawa at anak ay umalis na sa bansa at sa Amerika na naninirahan.

Nag-aaral din si Negro sa pamamagitan ng alternative learning system (ALS) ng DepEd dahil gusto niyang makatapos ng high schol.

Pero dahil alam niyang kasama siya sa 1,914 na convicts sa heinous crimes na nakalaya dahil sa GCTA, nagpasya siyang sumuko.

Emosyonal si Negro nang sabihing sumuko siya sa pangambang maging delikado pa ang kaniyang buhay.

Bagaman takot at ayaw nang balikan ang paghihirap niya sa Bilibid ay sinabi niyang wala naman syang ibang magagawa.

Read more...