Ayon kay Rommel Natawaya, peace and order team leader ng barangay, tumatawid ang anim na College students sa kanto ng Amphorium Street papunta sa kanto ng Everlasting Street.
Isang kotse ang nag-overtake at nabangga ang mga tumatawid.
Tatlo sa mga estudyante ang tumilapon matapos mabangga ng kotse.
Matapos mabangga ang mga estudyante ay nabangga pa ng kotse ang isang motorsiklo na nakaparada.
Kinilala ang driver ng kotse na si George Ouli, 41 anyos na isang dayuhan at naninirahan sa Pilipinas kasama ang kasintahang Pinay.
Humingi naman ng paumanhin ang dayuhan at sinabing hindi niya napansin ang mga patawid na estudyante.
Nag-alok din itong sasagutin ang lahat ng gastusin sa ospitlal ng mga nasugatan.