Pagtaas ng tubig sa Angat dam bumagal; water level ng Ipo dam nabawasan pa

Bumagal ang pagtaas ng tubig sa Angat dam.

Sa nakalipas na magdamag kaunti lamang ang nadagdag sa water level ng dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Sept. 6 sinabi ng PAGASA Hydrology na nasa 183.46 meters ang water level sa Angat.

Tumaas lang ng kaunti kumpara sa 183.45 meters kahapon.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.95 meters habang walang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.45 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, at Pantabangan.

Read more...