Ang overhead catenary system ang dinadaluyan ng kuryente para gumana ang mga tren ng MRT-3.
Dahil sa nasabing problema tigil ang operasyon ngayon ng buong linya ng MRT-3.
Tambak na rin ang mga pasahero sa EDSA na nag-aabang ng masasakyan.
Ayon sa pamunuan ng DOTr, may mga idineploy nang dagdag na P2P buses para maisakay ang mga pasaherong stranded.
Sa ngayon target ng MRT-3 na makapag-resume ng operasyon kahit partial lamang.
Pagkatapos ng restoring operations ay iimbestigahan kung ano ang naging dahilan ng pagkaputol ng kable. Dahil sa tigil-operasyon ng MRT-3 maraming pasahero ang na-stranded sa EDSA.
MOST READ
LATEST STORIES