Alas 6:17 ng umaga nang ianunsyo ng MRT-3 na mayroong problema ang kanilang Overhead Catenary System sa Guadalupe Station (NB).
Alas 6:20 ng umaga nang magpatupad ng provisional service at tanging North Avenue to Shaw Boulevard at pabalik lamang ang naging biyahe.
Pero alas 6:42 ng umaga nang suspindihin na ang buong biyahe ng MRT-3.
Ayon sa pahayag ng MRT-3 hindi sapat ang kuryenteng dumadaloy mula Shaw Blvd. hanggang sa Santolan kaya kailangang itigil na ang operasyon.
Patuloy na tinutugunan ang problema.
Dahil sa insidente, maraming pasahero ng MRT-3 ang naperwisyo lalo at kasagsagan ng rush hour nang itigil ang operasyon.
Napuno ng pasaherong nag-aabang ng masasakyan ang kahabaan ng EDSA.