Wala nang binabantayang bagyo at LPA sa bansa ayon sa PAGASA; Habagat nakaaapekto sa Northern Luzon

Wala nang bagyo at Low Pressure Area na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.

Sa ngayon sinabi ng PAGASA tanging ang Habagat ang umiiral na weather system sa bansa at apektado nito ang Northern Luzon.

Dahil sa Habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Samantala ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay magkakaroon lamang na bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Read more...