Maglive-in partner arestado sa Antipolo; aabot sa P750K na halaga ng shabu nakumpiska

Arestado ang dalawang suspek sa ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Antipolo City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Cecil Alejandro, 32 anyos at Rjay Alonzo, 31 anyos.

Ikinasa ng Drug Enforcement Team ng Antipolo City Police Station katuwang ang PDEA laban kay Cecil at live-in partner niyang si Rjay.

Nagawang makabili ng poseur buyer ng isang plastic sachet ng shabu kay Cecil dahilan para arestuhin ito at kaniyang kinakasama.

Nakumpiska pa sa dalawa ang 13 plastic sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P750,000 ang halaga, ang P1,000 buy bust money at digital weighing scale, at handbag.

Ayon kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Edward Carranza, ang dalawa ay itinuturing na big time drug pushers sa sa Rizal.

Read more...