Magpapatupad ang Meralco ng bawas singil sa kuryente ngayong Sityembre.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nasa pagitan ng P0.15 at P0.20 ang maaasahang bawas-singil sa kuryente.
Ito na ang magiging limang sunod na buwan na bawas singil ng Meralco.
Ayon sa kumpanya, naging maayos ng supply ng kuryente dahil walang naitalang yellow at red alert sa nakalipas na mga buwan.
Dahilan din ang nakatakdang refund sa electric bill bunsod ng sobrang singil sa mga customer.
Sa Lunes nakatakdang ianunsyo ng Meralco ang eksaktong halaga ng kanilang bawas singil.
Samantala, makaaasa rin ng rollback sa presyo ng pertrolyo ngayong buwan.
Base sa monitoring, bumaba ang presyo ng imported na gasolina sa international market gayundin ang diesel at kerosene.
Tinatayang nasa P1.00 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at tig P0.50 sa presyo ng diesel at kerosene.
Karaniwang ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang rollback tuwing araw ng Martes.