Ayon kay Agriculture Secretary William D. Dar, ang pondo ay gagamitin para tulungan ang rice industry sa bansa mula sa pagbebenta ng palay, pagpapatuyo hanggang sa maibenta ito sa merkado bilang bigas.
Agad naman tumugod ang anim na lalawigan sa panawagan ni Dar at nakalikom ng P1.6 billion na pondo.
Ang anim na lalawigang ay kinabibilangan ng Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Sinabi ni Dar na ang anim na mga lalawigan ay nakapag-produce ng palay na umabot ng 91,176 metriko tonelada kahit sa panahon ng tag-ulan.
Pahayag pa ng kalihim, ang pondo ay malaking tulong sa 27,000 na mga maliliit na mga magsasaka ng bansa.