Voter registration maaaring palawigin ng Comelec

INQUIRER.net file photo/Noy Morcoso

Maaaring palawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration na nakatakdang matapos sa September 30.

Ayon kay Comelec chairman Sherrif Abas, ang voter registration extension ay depende kung tuloy o ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gagawin dapat sa May 2020.

Matatandaan na may unang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang ituloy ang naturang halalan sa susunod na taon.

Binuksan ng Comelec ang registration ng mga botante noong August 1.

Ito ay sa kabila ng ilang panukalang inihain sa Kongreso na ipagpaliban ang Barangay at SK election sa October 2022.

Para mas maraming mahikayat na magparehistro, nagsasagawa ang Comelec ng voter registration sa kanilang satellite offices maging sa mga mall.

 

Read more...