4 ang nasawi sa lindol na tumama sa India

Twitter Photo / Sorokhaibam Akee
Twitter Photo / Sorokhaibam Akee

Apat na ang naitalang nasawi habang 100 ang nasugatan matapos tumama ang malakas na lindol sa Imphal, India.

Ayon sa Manipur State Police, ang mga nasawi ay pawang nabagsakan ng mga naglaglagang debris nang tumama ang magnitude 6.8 na lindol na kalaunan ay ibinaba sa 6.7 magnitude.

Ang nasabing pagyanig ay nagdulot din ng pagkasira sa maraming gusali sa Imphal na capital ng Manipur.

Habang ang isang katatayo lamang na six-story building sa Imphal ay kabilang din sa mga gumuho.

Ayon sa Meteorological Department ng India, ang epicenter ng lindol ay naitala sa Tamenglong region sa Manipur state o nasa 35 kilometers northwest ng Imphal.

Sa Gauhati na capital ng kalapit na Assam state, nag-panic ang mga residente at nagtakbuhan palabas ng kanilang mga bahay.

Umabot umano ng halos isang minuto ang pagyanig ayon sa mga residente.

Naramdaman din ang pagyanig sa Kolkata, sa West Bengal.

Read more...