M5.1 na lindol tumama sa Zambales

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Zambales Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, dakong 9:58 ng gabi nang tumama ang lindol na ang episentro ay sa bayan ng Palauig.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 31 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks kasunod ng may kalakasang lindol.

Pero wala namang agarang ulat ng pinsala dahil sa lindol.

 

Read more...