Ngayong unang Lunes sa taong 2016, dumagsa pa rin ang maraming biyahero sa mga pantalan, bus terminals at mga paliparan.
Ang mga pamilyang nagdiwang ng holiday season at nagbakasyon sa mga lalawigan ay ballik Metro Manila mula noong weekend hanggang ngayong araw.
Sa Laoag City, Ilocos Norte, punuan ang mga bus na pabalik ng Metro Manila mula kaninang umaga. Gayundin ang mga bus galing sa Balanga City, Bataan.
Sa Odiongan Port sa Romblon naman, maaga pa lamang kanina ay mahaba na ang pila para sa mga gustong makabili ng tickets. Ang ibang pasahero sa pantalan na natulog kagabi para mauna sa pila.
Sa Legazpi City, Albay, nahirapan naman ang mga pasahero na makakuha ng tickets sa bus pabalik ng Metro Manila dahil nagpapatupad ng No Reservation policy ang mga kumpanya ng bus.
Ayon naman sa mga dispatchers, sapat ang mga bus na biyaheng Maynila ngayong araw mula sa Albay.
Sa Baguio City, pareho din ang sitwasyon, dahil mula kaninang umaga maraming pasahero ang pabalik ng Maynila.