Bus, nahulog sa bangin sa Calauag, Quezon, 30 pasahero sugatan

Calauag QuezonTatlumpung katao ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Calauag Quezon.

Naganap ang insidente sa Barangay Bagong Silang, alas dose ng hatinggabi.

Galing umano ng Cubao sa Quezon City ang Bus at patungo sa Placer, Masbate.

Ayon sa isa sa 42 na pasahero ng Mega Bus Line, mabilis ang takbo ng bus at nawalan ito ng kontrol nang lumiko kaya nahulog sa bangin.

Naniniwala din ang ilang pasahero na maaring nakatulog ang driver na kasama rin sa mga nasugatan.

Agad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan.

Ilan naman sa mga pasahero kabilang ang driver ng bus ay nasa kritikal ang kondisyon dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Read more...