Pinagpapasa na ng Quezon City Prosecutors Office ng “Rejoinder “ang kampo ng Militant Organization na kinasuhan ng Perjury ni Natl Security Adviser Hermogenes Esperon Jr .
Habang sa October 3 itinakda ni City Prosecutor Nilo Peñaflor ang pagdinig sa kaso.
Kapag nasa kamay na ng City Prosecutors Office ang rejoinder ng mga militanteng grupo dito magpapasya kung sapat ba ang basehan o probable cause para isulong ang kaso at sa loob lamang ng 45 araw ay maaari nang maglabas ng resolusyon .
Sa preliminary investigation na ginawa noong umaga ng huwebes, nakapag hain ng reply affidavit si Esperon sa counter affidavit na unang isinumite ng Rural Missionaries of the Phils.,Karapatan at Gabriela.
Nanindigan ito na totoo ang kanyang alegasyon laban sa nabanggit na mga grupo.
Sa panig ng Rural Missionaries of the Phils, sinabi ng kanilang legal counsel na si Atty. Ephraim Cortes, wala daw naipresintang iota evidence o wala man lang kahit katiting na ebidensya si Esperon na isinumite para suportahan ang kanyang reklamo .
Una nang kinasuhan ng perjury ni Esperon ang tatlong grupo dahil sa pagsisinungaling sa kanilang application sa writ of amparo at habeas data petition.