Base sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 555 kilometers Northeast ng Basco Batanes.
Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Liwayway sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Ngayong hapon o gabi inaasahang lalabas na ito ng bansa.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA na nasa loob ng bansa ay huling namataan sa layong 860 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mababa naman ang tiyansang mabuo bilang isang bagyo ang LPA.
Apektado naman ng Habagat na pinalalakas ng bagyo ang kanlurang bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region and Cordillera Administrative Region.