Kinumpirma ito ni Senator Panfilo Lacson base sa kaniyang sources.
Ang naturang pahayag ni Lacson ay kinumpirma naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na dumalo sa pagdinig sa senado.
Tumanggi naman sina Lacson at Guevarra na pangalanan kung sinu-sino ang mga convict na nakalaya sa ilalim ng GCTA law ang sumuko na.
Naniniwala naman si Senator Richard Gordon na dapat pangalanan ang mga nakasuko nang nahatulan sa heinous crimes.
Ito ay dahil mayroon aniyang “dead or alive” na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nakalayang convicts.
Payo naman ni Gueverra sa mga nais nang sumuko ay makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na police stations o military detachments.
Ang mga pulis at sundalo naman anf makikipag-ugnayan sa DOJ at sa BuCor.