“Bagong taon, bagong lider” sa ‘Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

JAKE MADERAZONGAYONG 2016, pipili tayo ng bagong pangulo na papalit kay Pangulong Aquino.

At batay sa listahan ng Comelec, lima ang pagpipilian natin (baka may madisqualify na isa o dalawa).

Sino-sino nga aba ang mga choices? Binay, Duterte, Poe, Roxas at Santiago (in alphabetical order).

Si Binay, bugbog sarado sa akusasyong “corrupt” ng Senate subcommittee hearings, Commission on Audit, Anti-Money Laundering Council, Interior and Local Government at Malacanang.

Si Duterte, sumabog ang sarili sa pag-amin na siya ay naging kriminal at binastos pa ang Santo Papa bukod sa kawalang respeto nito sa batas.

Si Poe ay tinatawag na Amerikana at diumano’y nagsinungaling sa kanyang COC.

Si Roxas, teka-teka manager, sinisisi sa masamang serbisyo ng MRT, LRT , NAIA , sa di makalimutang “Yolanda” at tinitingnang ha-limbawa ng pang-mayaman at baku-bakong “Daang Matuwid”.

At si Miriam ay merong medical issues at hindi makakayanang magpresidente dahil dito.

Kung kakayahan sa posisyon ng presidente ang pag-uusapan, dalawa ang direktang capable, na may magkaibang management style ay itong sina Binay at Roxas. Ang dalawang ito ay may kaalaman sa “day to day management” ng ating bansa.

Si Roxas bilang cabinet member nina Erap, GMA at PNoy habang si Binay ay nagsilbing alkalde ng mahabang panahon bago naging pangalawang pangulo ng bansa.

Langit at lupa ang kaibahan ng presidente sa posisyon ng alkalde gaya ng Davao City. Bilang pangulo, tiniti-ngala ka ng bawat lider ng “community of nations” sa buong daigdig.
Merong foreign affairs na elemento ang lahat ng galaw ng pangulo kayat ang ginagawang pagmumura ni Duterte sa Santo Papa ay halimbawa ay isang malaking pagkakamali.
Sa ating mga botante, ang pinakamalaking isyu sa Mayo ay kung makakadama ba tayo ng malasakit mula sa bagong lider.

Ang sabi ng Daang Matuwid, malapit na ang kaunlaran tungo sa “First World Philippines.” Pero paano ka uunlad kung bugbog ka sa buwis, bugbog ka sa taas ng serbisyo ng gobyerno, mula sa pa-saporte, NBI clearance, police clearance, lisensya, amelyar, toll fees, serbisyo ng tubig, matrikula sa kolehiyo at pasahe sa government railways, tulad ng MRT, LRT1-2?

Mag-aapply ka lang ng trabaho, gagastos ka ng sobra sa P1,000 sa “requirements” lamang. Pinagkakitaan talaga ng husto ang kakarampot na kinikita ni Juan de la Cruz. Tapos, contractual o endo lang ang bagsak mo. Sa totoo, hirap po ang buhay ng bawat Pilipino ngayon. Iyong P1,000 mo, pakiramdam mo, parang isandaang piso na lang ang halaga.

Ang “income inequality” ng mayayaman sa mahihirap ay ubod na ng layo.

Tapos maiisip mo pa na lumalangoy sa pera ang gobyerno na merong P3 trilyong budget sa 2016.

Matapos ang anim na taon, sobra pa sa doble ang laki ng budget mula noong umalis si PGMA noong 2010 pero hindi nararamdaman ng tao.

Sa ganang akin, ang kailangan ng bansa nga-yon ay isang makatotohanang “pro-poor people” presidency, na may lakas na loob na baguhin ang kasalukuyang kalakaran. Isama mo na diyan ang pag-amyenda sa Saligang Batas natin na ang demokrasya ay pabor lang sa mayaman.

Read more...