Tatlong ‘bookies’ ng ilegal na STL arestado sa Quezon

Arestado ang tatlong kulektor ng ilegal na operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Lucena City at sa bayan ng Lopez sa Quezon.

Nadakip ng mga otoridad si Bernadette Dalisay sa aktong nangungulekta ng taya sa Barangay Market View sa Lucena City.

Sa bayan naman ng Lopez, dinakip sina Arvin Moises Giducos at Ernesto Oprecio na ilegal ding nangungulekta ng taya sa STL sa Barangay Gomez.

Nakuha sa t atlong suspek ang STL bet collection forms, mga gamit at perang taya.

Nabigo ang mga suspek na magpakita ng lehitimong IDs na inisyu ng Pirouette Gaming Corp., – ang lisensyadong STL operator sa lalawigan.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o An Act Increasing The Penalties for Illegal Numbers Game.

Read more...