Ayon kay Sotto nangako sa kanya ang hindi pa niya kinilalang “A-1 source” na muling makikipag-ugnayan ito sa kanya para magbigay pa ng mga karagdagang konkretong impormasyon.
Inulit ng senador na malalagay sa panganib ang buhay ng kanyang source kapag pre-mature na naisapubliko ang pangalan nito.
Sinabi din nito na sa ngayon ay malinaw na ang lahat kay Pangulong Duterte ang mga pangyayari sa Bilibid at may plano na siya ukol dito.
Samantala, sinabi ni Sotto na may tatlong subpoena siyang pinirmahan para sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon araw ukol sa kontrobersyal na GCTA.
Aniya sinabi sa kanya ni Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa Blue Ribbon at Justice Committees, na mabigat ang magiging testimoniya ng tatlo sa pagdinig.