Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), nasawi si Lori De Jesus na isang informant ng Military Intelligence Group sa Central Visayas at kasama niyang si Mark Anthony Booc, 39 anyos.
Tinambangan ang dalawa habang nasa loob ng bahay alas 9:30 ng gabi ng Miyerkules (Sept. 4).
Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang.
Nakuha ng mga tauhan ng NOPPO-Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.
May nakuha ding sachets na may shabu residue at mga drug paraphernalia.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
READ NEXT
Lalaking dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, patay sa pananambang
MOST READ
LATEST STORIES