Titanic at Jurassic World, naungusan na ng “Star Wars: The Force Awakens” sa box office

STAR WARSNakapagtala ng bagong record sa New Year’s box office history ang pelikulang “Star Wars: The Force Awakens”.

Ito ay matapos malampasan ng nasabing pelikula ang domestic grosses “Jurassic World” na $652.3 million at “Titanic” na $658.7 million.

Sa loob ng labingsiyam na araw na showing ng Star Wars: The Force Awakens, umabot na sa $740.3 million ang kinita nito at itinuturing na ngayong second-highest earner of all time.

Nananatiling ang pelikulang “Avatar” ang may hawak ng pinakamalaking lifetime domestic gross na $760.5 million.

Pero posible umanong maungusan din ito ng “Star Wars” sa mga susunod na araw.

Ang pelikulang “Avatar” kasi ay nakapagtala ng $700 million na kita sa loob ng 72 days na showing habang ang nasabing halaga ay nakuha ng Star Wars sa loob lamang ng 16 days showing.

Read more...