Patuloy ang pagbagal ng inflation o ang pagtaas ng halaga ng mga serbisyo at bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumagsak sa 1.7 percent lang ang headline inflation para sa nagdaang buwan ng Agosto.
Mas mababa ito sa 22.4 percent na naitala noong nakaraang buwan ng Hulyo.
At higit na mas mababa sa 6.4 percent inflation rate kumpara noong August 2018.
Ayon sa PSA ito na rin ang pinakamababang inflation sa nakalipas na halos tatlong taon.
Noong October 2016 pa kasi huling nakapagtala ng 1.8 percent inflation rate.
Sa NCR patuloy ang pagbagal ng inflation na naitala sa 1.4 percent, habang ang MIMAROPA naman ang nakapagtala ng highest annual rate na umabot sa 4.6 percent.
READ NEXT
Special power para iutos ang quantitative restrictions sa rice importation dapat hingin ng pangulo sa kongreso
MOST READ
LATEST STORIES