Susunod na BuCor chief dapat walang bahid ng korapsyon – Sen. Gatchalian

Dapat walang bakid ng korapsyon at hindi nasangkot sa anumang katiwalian ang ipapalit na pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Pahayag ito ni Senator Sherwin Gatchalian kasunod ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Nicanor Faeldon.

Ayon kay Gatchalian, dapat ang susunod na hihirangin ni Pangulong Duterte para sa nasabing pwesto ay dapat hindi nasangkot sa isyu ng korapsyon.

Matagal na aniyang kailangan ng cleansing at reporma sa BuCor at ang isyu ng paglaya ng mga nahatulan sa heinous crimes ay patunay na lumalala ang problema sa ahensya.

Sinabi pa ni Gatchalian na gaya ng nangyari na noon sa Bureau of Customs, hindi naitala ni Faeldon ang mga mali at problema sa BuCor at sa halip ay lalo pang lumala.

Read more...