Matapos makuha ang 33 bangkay, 1 na lamang ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.
Ang diving boat ay nasunog at lumubog sa lalim na 66 feet.
Ang mga na-recover na katawan ay kinabibilangan ng 11 babae at 9 na lalaki.
Natagpuan sila sa lalim na 75 talampakan malapit sa pinangyarihan ng trahedya.
Isasailalim sa DNA test ang mga katawan para makilala.
Nasa diving excursion ang bangka sa Santa Cruz Island nang mangyari ang sunog.
Sakay nito ang 39 na katao, na kinabibilangan ng 33 pasahero at 6 na crew.
Ang limang crew ay nagawang makatalon at makalangoy dahil gising sila ng mangyari ang sunog alas 3:15 ng madaling araw.
Habang ang 34 na iba ay na-trap dahil tulog sila sa ibabang deck ng diving boat.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.