India, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

Jan 4 IndiaNiyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Imphal sa India.

Ang pagyanig ay naitala sa northeast India malapit sa Myanmar at Bangladesh border.

Naganap ang lindol alas 4:35 ng umaga sa India, at alas 7:05 naman ng umaga oras dito sa Pilipinas.

Sa datos ng US Geological Survey (USGS), may lalim na 57 kilometers ang lindol.

Nai-rekord ang epicenter ng lindol sa 33 kilometers west-northwest ng Imphal City na capital ng Manipur, India.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa mga magaganap na aftershocks.

Read more...