Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 18 kilometers northeast ng Valderrama, alas 5:14 ng umaga ng Huwebes, Sept. 5.
Ayon sa Phivolcs, 17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala naman ang sumusunod na intensities:
Intensity IV: Valderrama, Antique
Intensity III: Tapaz, Capiz
Intensity II: Bago City, Negros Occidental
Intensity I: Malinao, Aklan; San Jose City at Sebaste, Antique; at sa Jamindan, Capiz
Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES