8 arestado sa buy bust sa QC

Arestado ang walong drug suspects sa magkahiwalay na buy bust operations sa Quezon City.

Lima ang hinuli, kabilang ang dalawang menor de edad, sa operasyon sa Barangay Gulod sa Novaliches.

Target ng pulisya ang isang alyas Toto Black na dati nang nakulong dahil sa droga.

Matapos makabili ng P200 halaga ng shabu ay inaresto na ang mga suspek kabilang ang isang 15 anyos at 17 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang sampung sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Samantala, arestado ang tatlong lalaki sa isa pang buy bust operation sa San Miguel St. sa Barangay Payatas.

Nakumpiska sa mga ito ang pitong sachet ng shabu.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...