2 Chinese arestado sa prostitution den sa Makati; 6 na Vietnamese nailigtas

Arestado ang dalawang Chinese nationals na nag-ooperate ng prostitution den sa Malugay St., Barangay San Antonio, Makati City.

Ayon sa pulisya, ang hinuling mga Chinese ay ang handler at operator ng prostitusyon.

Nasagip naman ang anim na Vietnamese na pumasok sa bansa bilang mga turista pero nagtrabaho sa naturang lugar.

Sa entrapment operation ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), nagpanggap na customer ang pulisya at matapos na makuha ng mga suspek ang marked money ay sinalakay na ang prostitution den.

Ayon sa NCRPO, parokyayo ng mga nagtatrabaho sa prostitution den ang mga Chinese nationals na mga empleyado sa mga online casinos na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kakasuhan ang dalawang Chinese ng anti-trafficking in persons habang itu-turn over ang nailigtas na mga Vietnamese sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Read more...