Inutusan ni PNP chief Police General Oscar Albayalde ang lahat ng police units sa bansa na magsagawa ng “accounting” sa 1,700 convicts na napalaya dahil sa batas sa good conduct.
Ayon kay Albayalde, itatalaga ang tracker teams para hanapin ang mga convicts na itatratong fugitives kapag hindi sila sumuko sa loob ng deadline na ibinigay ng pangulo.
Dagdag ng PNP chief, maaaring arestuhin ang mga convicts sa ilalim ng warrantless arrest para sa mga fugitive sa batas.
Magkakaroon ng PNP liaison officer sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) para makakuha ng eksaktong listahan ng mga pangalan at address ng mga napalayang convicts.