Sa isang statement ay sinabi ni Faeldon na nagsalita na ang pangulo na kanyang commander-in-chief at appointing authority.
“My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” ani Faeldon.
Ayon kay Faeldon, wala siyang sama ng loob sa utos ng pangulo.
Sa isang press briefing ay sinabi ng pangulo na pinagbitiw niya si Faeldon dahil sa kontrobersya sa Bucor.
Partikular na sinabi ng pangulo na sinuway ni Faeldon ang kanyang utos.
Kaugnay ito ng pagpapalaya sa mga convict ng heinous crimes sa ilalim ng batas ukol sa good conduct.
“I decided last night… I am demanding the resignation of Faeldon immediately… Faeldon has to go because Faeldon disobeyed my order,” ayon sa pangulo.
Pero nang tanungin ng mga mamamahayag kung sinibak niya sa pwesto si Faeldon ay “yes” ang naging tugon ng pangulo.