Hinuling mga menor de edad na lumabag sa curfew sa Maynila umabot na sa 435

MPD photo

Umabot na sa 435 ang mga menor de edad na hinuli ng pulisya dahil sa pina-igting na implementasyon ng ordinansa sa curfew sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang naturang bilang ay resulta ng all-out na implementasyon ng ordinansa at alinsunod na rin sa mahigpit na utos ni Mayor Isko Moreno at MPD director Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Ang mga nahuli ay mula sa operasyon ng iba’t- ibang istasyon ng MPD mula noong unang araw ng pagpapatupad ng curfew hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng September 3.

Sa tala ng MPD, pinakamarami ang nahuling kabataan na lumabag sa curfew sa Police Station 1 na 64.

Nasa 63 naman sa Station 2; 45 sa Station 3; 49 sa Station 4; 53 sa Station 5; 37 sa Station 6; 35 sa Station 7; 15 sa Station 8; 32 sa Station 9; 20 sa Station 10; 19 sa Station 11 at tatlo sa Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT).

Bukod sa curfew at iba pang ordinansa, target din ng MPD ang mas mahigpit na operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa Maynila.

 

Read more...