Nag-iisang lotto bettor, napanalunan ang P50M na jackpot

lottoNapanalunan ng nag-iisang mananaya ng lotto ang limampung milyon pisong jackpot sa Ultra Lotto.

Sa isinagawang draw kagabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nag-iisang bettor lamang ang makapag-uuwi ng nasabing premyo sa Ultra Lotto 6/58.

Ito ay matapos makuha ng nasabing mananaya ang winning number combination na 26-10-05-24-49-12.

Samantala, wala pang nagwagi sa mahigit P28 milyon na jackpot prize para sa Super Lotto 6/49.

Ito ay matapos walang makakuha sa winning combination na 19-43-22-32-01-06.

Read more...