No. 1 most wanted sa Palawan arestado

Palawan PNP photo

Arestado na ang number 1 most wanted person ng Puerto Princesa City, Palawan matapos ang ginawang operasyon laban sa suspek.

Nakilala ang suspek na si Antero Bacuel Bacosa Jr., 47 anyos, isang delivery truck driver at residente ng Brgy. Calasaguen, Brookes Point, Palawan.

Ayon sa pulisya, si Bacosa ay may warrant of arrest sa kasong rape.

Nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya laban sa suspek at natunton ang lokasyon nito sa Brgy. Inarayan sa bayan ng San Vicente.

Inihahanda na ng Palawan PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek.

 

Read more...