Ayon sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 12 na inilabas alas 11:00 Miyerkules ng gabi, huling namataan ang Typhoon Liwayway 470 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometers per hour at bugsong 170 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong North Northeast sa bilis na 10 kilometers per hour.
Asahan pa rin ang pag-uulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region dahil sa Habagat.
Nagbabala ang Pagasa laban sa posibleng flashfloods and landslides sa mga lugar na apektado ng Habagat.
Mapanganib din ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.
Ang Typhoon Liwayway ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng hapon hanggang gabi.
Samantala, binabantayan ng Pagasa ang low pressure area (LPA) sa 865 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Pero maliit ang tsansa na maging tropical depression ang LPA sa loob ng 48 oras.