GCTA para sa mga bilanggo idinepensa ni De Lima

File photo

Umapela si Senadora Leila de Lima sa mga senador at mambabatas na huwag ibasura ang Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa inilabas na pahayag, hindi dapat bawiin ang batas dahil lamang sa maling aplikasyon o pang-aabuso ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa halip, dapat aniyang ayusin ng mga mambabatas ang implementing rules and regulations ng batas.

Matatandaang ipinanukala nina Senate President Vicenter “Tito” Sotto III, Senators Panfilo “Ping” Lacson at Richard Gordon ang pagbawi sa batas na nagbibigay-benepisyo sa mga preso na mapaigsi ang kanilang sentensya base sa magandang pag-uugali sa piitan.

Naniniwala kasi ang tatlong senador na masyadong maraming butas ang nasabing batas.

Read more...