Sa budget briefing sa pondo ng DFA sa susunod na taon, sinabi ni Locsin na hindi naman mga barko ng China ang madalas pumasok sa bansa kundi ang sa mga Western Countries.
Sinabi ng kalihim na matapos malaman ng pangulo na mayroong Chinese warship sa West Philippine Sea inihayag ng pangulo na hindi papayagan ito ng bansa at kailangan pang magpaalam.
Sabi anya ng China, nais din nila na humingi ng permiso sa Pilipinas kumpara sa tugon ng mga Western countries na magkaroon ng absolute freedom at makapaglayag sa lugar.
Ipinagtanggol pa nito ang China sa pagsasabing isang beses lamang pumasok ang barko nito at nakapatay ang automatic identification system noong mag bagyo sa lugar.
Giit pa nito, gumagawa rin ng ganito ang western countries at gumagamit pa ng stealth technology upang hindi sila ma-track.