Pinakakalama ng Department of Agriculture ang publiko kung maging positibo man o negatibo ang resulta ng confirmatory test sa mga baboy na hinihinalang napektuhan ng African swine fever (ASF).
Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni agriculture secretary William Dar na may nakalatag nang paghahanda ang gobyerno gaya ng quarantine at food safety measures.
Ayon kay Dar, isasapubliko ng kanilang hanay ang resulta ng imbestigasyon sa araw ng Biyernes.
Dagdag ng kalihim, sa Huwebes pa malamaman ang resulta ng last component ng confirmatory test.
Una nang nagpadala ng tissue samples ang DA sa ibang bansa para ipasuri kung positibo o negatibo sa African swine fever ang mga baboy sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES