Typhoon Liwayway napanatili ang lakas; halos hindi kumikilos habang nasa karagatan

Halos hindi kumikilos ang Typhoon Liwayway habang nasa karagatan ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 345 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.

Sobrang bagal ng kilos ng bagyo sa direksyong North Northeast.

Ayon sa PAGASA makararanas pa rin ng masungit na panahon sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Sa pagitan ng bukas ng tanghali at gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Read more...