Vintage bomb nadiskubre sa isang construction site sa Makati

Isang vintage Howitzer shell ang nadiskubre sa isang construction site Makati City, Miyerkules, Sept. 4 ng umaga.

Ayon sa Makati City Police – Police Community Precinct (PCP) – 8 isang Reinerio Valdez ang nakakita sa vintage bomb sa J.P. Rizal Extension, Barangay East Rembo dakong alas 8:00 ng umaga.

Ang nakitang vintage bomb ay isang 105-millimeter Howitzer shell.

Agad namang kinordonan ang area habang kinukuha ng mga otoridad ang vintage bomb.

Naiturn-over na sa explosives and ordnance unit ng Makati City police ang bomba.

Read more...