Ayon kay Bishop Sofronio Bancud, dapat suriin ng gobyerno ang kalagayan ng mga magsasaka na nananawagang palakasin ang kanilang sektor na nahaharap sa tuluyang pagbagsak at pagkawala.
Ayon sa Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, ang Rice Tariffication Law o malayang pag-aangkat ng bigas ang dahilan nang paghina ng sektor ng pagsasaka sa bansa.
Sa ilalim anila ng nasabing batas ay talo ang mga magsasaka dahil hindi na bumibili sa mga lokal na magsasaka ang mga rice retailers dahil sa tambak na suplay ng imported na bigas sa mga pamilihan.
Magugunitang inalmahan ng mga magsasaka ang mababang farmgate price ng palay sa 7 piso kada kilo subalit mahigit sa 40 piso naman ang kada kilo ng bigas sa pamilihan.