Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isa sa may akda ng GCTA Law, malinaw ang intensyon ng naturang batas na hindi dapat palayain ang preso na heinous crime ang nagawa.
Paliwanag pa ni Rodriguez na base sa batas, na ang BuCor Chief ang magbibigay nito at siyang mag-uutos na palabasin ang isang preso.
Lumabag din anya sa batas ang Bucor chief dahil nakasaad dito na walang convicted na preso ang maaariing palabasin kung ang kaso nito ay isang heinous crime.
Nauna nang inamin ni Faeldon sa senate hearing noong Lunes na siya ang pumirma ng dokumento sa nakatakda sanang pagalaya ni Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted dahil sa mga kasong rape at murder noong 1995.
Ang pagpapalaya din uamno sa mga convicts sa Chiong sisters na may kasong rape at murder at ang pagpapalaya sa mga kaso ng Chinese drug lay malinaw na paglabag sa GCTA Law.
Malinaw anya na nilabag ni Faeldon ang Section 6 ng RA 10952 o ang penal clause ng GCTA Law.