Lalaki patay, 3 menor de edad sugatan sa aksidente sa Cebu

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang tatlong estudyante matapos ang aksidente sangkot ang dalawang motorsiklo sa Badian, Cebu, Martes (Sept. 3) ng gabi.

Ayon kay Police Corporal Rommel Cañete, desk officer sa Badian Police Station, ang nasawi ay nakilalang si Junard Abestano, 23 anyos.

Ani Cañete, patungo si Abestano sa town center sa Badian, alas 7:00 ng gabi nang masalpok ng minamaneho niyang motorsiklo ang motorsiklo na minamaneho ng tatlong estudyante na nasa pagitan ng edad 15 hanggang 17.

Patungo ang mga estudyante sa bayan ng Moalboal.

Nagkabanggan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Malhiao hindi kalayuan sa Badian National High School kung saan nag-aaral ang tatlong estudyante.

Dinala sa Abestano at tatlong menor de edad sa Badian District Hospital pero hindi umabot ng buhay si Abestano.

Pawang walang suot na helmet ang apat nang mangyari ang aksidente.

Read more...