Lola sugatan matapos masunog ang kaniyang bahay sa Cebu City

Nasugatan ang isang lola matapos masunog ang kaniyang bahay sa Sitio Aguakan, Barangay Agsungot, Cebu City Miyerkules, September 4, 2019 ng umaga.

Ayon kay Fire Officer 3 Fernando Ivan ng Talamban Fire Station, natupok ang bahay na pag-aari ng 66-anyos na si Esmeralda Casiban.

Si Casiban ay nagtamo ng first-degree burns sa kaniyang braso bunsod ng naturang sunog.

Nagsimula ang sunog alas 4:16 ng umaga at naideklarang under control alas 4:35 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ay electrical misuse ang dahilan ng sunog.

Read more...