P4.3M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa 2 suspek sa Naga City

Aabot sa mahigit apat na milyon pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa Naga City.

Isinagawa ng mga otoridad ang operasyon sa Naga City at aabot saP4.3 million na halaga ng shabu ang nakuha sa dalawang naarestong suspek.

Kinilala ang mga nadakip na sina Yuner Inda at Jamaica Dela Cruz.

Aabot sa 31 piraso ng plastic sachets ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...