PDEA nakiramay sa mga naulila ng ahente nilang nasawi sa buy-bust sa Zamboanga

Nakiramay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamilya ng ahente nilang nasawi sa buy-bust operation sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay.

Sa pahayag ng PDEA Director General Aaron Aquino, ikinalungkot nila ang ang pagkasawi ng ahente nilang si Jack Roland Bastatas.

Sinabi ni Aquino na kapapabinyag lamang ni Bastatas sa kaniyang anak at iniwan niya ang pamilya para sa operasyon sa Zamboanga.

Nasawi si Bastatas matapos pagbabarilin ng target na suspek ang sasakyan ng PDEA ng Lunes. Nasugatan din sa operasyon ang isang pulis.

Patay naman ang tatlong drug suspects.

Sinabi ni Aquino na ang pagkasawi ng isa sa kanilang kasamahan ay hindi magiging dahilan upang panghinaan na loob ang kanilang mga tauhan.

Magpapatuloy aniya ang kanilang determinasyon na labanan ang ilegal na droga.

Read more...