Water level ng Angat dam nasa 183.34 meters na

Nadagdagan pa ng bahagya ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 4 ay nasa 183.34 meters ang water level ng Angat dam.

Tumaas pa ito kumpara sa 183.16 meters na water level kahapon.

Samanala tumaas din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.99 meters habang ang La Mesa dam ay nasa 77.45 meters ang antas ng tubig.

Nadagdagan din ang water level ng San Roque at Pantabangan.

Habang nabawasan naman ang water level sa Binga, Ambuklao, Magat at Caliraya.

Read more...