MMFF nakapili na ng pelikulang ipapalit sa ‘(K)ampon’

Ang pelikulang ‘Sunod’ ang magigingkapalit ng pelikulang ‘(K)ampon’ ni Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival.

Inihayag ito ng MMFF matapos matanggal bilang entry sa MMFF ang ‘(K)ampon’.

Ang pelikulang ‘Sunod’ ay isa ring horror film na pinagbibidahan nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon.

Ang Ten17P ang nag-produce nito.

Ayon as MMFF, base sa ranking ng selection committee ang naturang pelikula ang horror film na sumusunod sa ‘(K)ampon’.

Magugunitang na-disqualify sa MMFF ang ‘(K)ampon’ ni Kris dahil hindi umabot sa deadline na July 30 ang request para sa pagpapalit ng lead actor.

Read more...