Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na gumagana na ang lahat ng 34 na elevators sa mga istasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Samantala, sinabi rin ng DOTr na mahigit kalahati o 29 sa 46 ng mga escalators sa MRT-3 ay umaandar na rin.
Sa Facebook post ng ahensya, mapapanood ang video ng mga pasahero na sakay ng escalator ng MRT-3 Guadalupe Station.
Makikita sa video na hindi na hirap umakyat ang mga pasahero at naging madali ang pagsakay sa escalator.
Umaasa ang DOTr na sa lalong madaling panahon ay maaayos na ang iba pang escalators ng MRT-3.
Ayon sa ahensya, ang pagsasaayos sa mga elevator at escalator ay bahagi ng MRT-Rehabilitation Project na layong ibalik sa “high-grade design condition” ang naturang transport system.